Tuesday, January 11, 2011

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Sa kabanata na ito ay ipinakita naman ang nasa ibaba ng kubyerta. Ang ibig ipakita ni Rizal sa pagkakahati sa dalawa ng Kubyerta ay ang estado sa buhay na kung saan ang mayayaman ay nasa itaas habnang ang mahihirap sa ibaba.

Sa kabanatang ito, ipinakilala ang dalawa pang karakter sa El Filibusterismo na sina Basilio at Isagani. Si Basilio ay isang estyudante ng Medisina at magaling manggaling ng tao. Si Isagani naman ay nag-aaral sa Ateneo at isang magaling na mananalita. Mahiyain ito at minsan lamang kumibo.

Lumapit noon si kapitan Basilio sila Isagani at Basilio upang kamustahin ang kalagayan ni Kapitan Tiago. Sinabi naman ni Basilio na mabuti ang kalagayan naman ni Kapitan Tiago. Napag-usapan na rin ng mga panahong iyon ang tungkol sa proposisyon nila Basilio ng pagpapatayo ng Akademiya. Sabi naman ni Kapitan Basilio ay maaring hindi ito matuloy dahil maraming problema ang maaring sumalubong sa kanila tulad ng pangungumbinsi sa gobyerno. Nagawan naman ito ng solusyon sa paraan ng pagbigay ng 2 kastanyo kay Padre Irene na alam nila na kaya niyang mangumbinsi. Paano naman daw ang pera? Ang solusyon nila ay nag-ambagan sila. Sino naman ang magtuturo sa kanila? Nakahanap sila Basilio na isang guro na kalahating Pilipino at Espanyol at handa itong magturo sa kanila. Saan naman nila itatayo ang paaralan? Nasabi nila na sa bahay ng kanilang kaklase na si Macaraig ang magiging paaralan. Hindi na lamang kumibo si Kapitan Basilio sapagkta ay nagawan na ng paraan ng dalawa ang problema na maari nila Makita. Umalis ito pagkatapos.

Lumapit naman sunod si Simoun sa dalawa at ipinakilala ni Basilio si Isagani kay simoun. Inalok niya pagkatapos ang dalawa na uminom ng serbesea. Hindi naman ito tinanggap ni Isagani. Natawa lamang si Simoun at inasar na kaya mahina ang tao sa kanila ay dahil puro tubig lamang ang iniinom, Sinabi naman ni Isagani ang ilang mga bagay na kayang gawin ng tubig na hindi kaya ng alak. Umalis pagkatapos si Simoun. Sinabi naman ni Basilio kay Isagani na huwag dapat ganoon ang turing niya kay Simoun dahil makapangyarihan ito.

Sa kabanatang ito ay isinalaysay din ang buod ng buhay ni Padre Florentino.






Symbol of the chapter... Coming Soon.

7 comments:

  1. thank u mr/ms u save my diploma

    ReplyDelete
  2. A much better summary among the rest that I found. Thank you! ☺

    ReplyDelete
  3. The story it takes in many year's ago
    . It's nice

    ReplyDelete
  4. Ano ang simbolo sa kabanatang ito?

    ReplyDelete
  5. happyluke.com happyluke.com | VIRTUAL ACCOUNT - Topbet
    The online casino will happyluke give players a 100% match up to €1500! This will give you the chance to play casino games sbobet ทางเข้า online! You 우리카지노 can also get a bonus

    ReplyDelete
  6. MOHEGAN HOTEL, NV - JCMH Hub
    MOHEGAN HOTEL, NV - JCMH 사천 출장샵 Hub, 태백 출장안마 the world's largest 김제 출장마사지 Integrated Sportsbook, 동해 출장마사지 is bringing you our best in online gaming and casino experiences from the 광주광역 출장마사지

    ReplyDelete